Usap-usapan ngayong sasali umano sa Miss Cosmo International 2025 ang kontobersiyal na Miss Grand Myanmar 2024 na si Thae Nu Syein.
Si Thae ang hinirang na second runner-up sa Miss Grand International 2024.
Ayon sa Sumatera Utara Pageants Instagram account, na nakabase sa Medan, North Sumatra, sa Indonesia, may panayam umano ang former Miss Grand Myanmar national director na si Htoo Ant Lwin tungkol sa kanyang “Plan B.”
Dahil hindi na sila maaaring sumali sa Miss Grand International, matapos silang i-ban ng Miss Grand International Organization, plano nilang sumali sa bagong beauty pageant na Miss Cosmo International 21 2025.
Hindi malinaw kung si Thae Su Nyein pa rin ang kandidatang ipapadala ng Myanmar.
Nakasaad sa post, na may English translation (published as is), “Miss Grand Myanmar 2024
“Miss Grand International, I won’t hold it at all. My plan A, when I don’t participate in the Miss Grand event anymore, there is a big event where all countries are interested, the event is big and that is what I will have as Plan A.
As Plan B, I’m going to one of the two competitions, namely Miss Cosmo. I won’t stop, I’m like I’ll never give up on something I love.
“Yes, that’s me, I will never give up like I said earlier, especially for my country.”
Ni-repost ng pageant sites na Miss Cosmo Xplore at missmyanmar_family_ ang nasabing post.
Nakalagay sa post nila, “MISS GRAND MYANMAR 2024
WILL ATTEND MISS COSMO 2025?”
Sa comments section, sinabi ng ilang netizens na sakaling matuloy sila sa Miss Cosmo International ay maging maayos na sana sila.
Meron din namang hindi sumasang-ayon:
Sa ngayon, wala pang makapagkumpirma kung tama nga ba ang mga ibinahagi ng nasabing pageant sites tungkol sa paglahok ni Thae Su Nyein sa Miss Cosmo International 2025.
MISS GRAND MYANMAR DETHRONED AFTER BEING CROWNED AS MGI 2ND RUNNER UP
Bakit nga ba kontrobersiyal si former Miss Grand Myanmar 2024 Thae Nu Syein?
Mabilis na nag-viral sa social media ang eksenang ginawa nina Nyein at Miss Grand Myanmar national director Htoo Ant Lwin, ilang minuto matapos koronahan si Miss Grand India Rachel Gupta bilang Miss Grand International 2024.
Si Nyein ang hinirang na second runner-up sa Thailand-based international beauty pageant na ginanap sa Bangkok noong Oktubre 25, 2024.
Nang bumaba si Nyein mula sa entablado, inalis ni Lwin ang korona at sash na napanalunan ni Mss Grand Myanmar.
Umiiyak si Nyein nang buhatin ito ng kanyang mga tagasuporta.
Ayon sa mga saksi, hindi matanggap nina Nyein at Lwin ang resulta ng patimpalak-kagandahan na sinalihan dahil umasa ang 18-year-old beauty queen na ito ang magwawagi.
Binabatikos at negatibo ang karamihan sa mga komento tungkol sa madramang eksena nina Nyein at Lwin, na umagaw ng atensiyon at nakatatanggap ngayon ng mga panghuhusga.