Pinag-uusapan ang eksenang ginawa nina Miss Grand Myanmar Thae Su Nyein at Miss Grand Myanmar national director Htoo Ant Lwin, ilang minuto matapos koronahan si Miss Grand India Rachel Gupta bilang Miss Grand International 2024.
Si Nyein ang hinirang na second runner-up sa Thailand-based international beauty pageant na ginanap sa Bangkok noong Biyernes, Oktubre 25, 2024.
Nang bumaba si Nyein mula sa entablado, inalis ni Lwin ang korona at sash na napanalunan ni Mss Grand Myanmar.
Umiiyak si Nyein nang buhatin ito ng kanyang mga tagasuporta.
Ayon sa mga saksi, hindi matanggap nina Nyein at Lwin ang resulta ng patimpalak-kagandahan na sinalihan dahil umasa ang 18-year-old beauty queen na ito ang magwawagi.
Binabatikos at negatibo ang karamihan sa mga komento tungkol sa madramang eksena nina Nyein at Lwin, na umagaw ng atensiyon at nakatatanggap ngayon ng mga
POOR LOSER?
Isang kababayan nating bahagi ng entertainment industry ang hindi natuwa sa inasal ng mga kinatawan ng Myanmar sa Miss Grand International 2024.
Pinanood ng ating kababayan ang gabi ng koronasyon ng Miss Grand International sa Bangkok.
Inihayag niya ang kanyang pananaw tungkol dito sa pamamagitan ng Cabinet Files.
Saad niya: “Myanmar was just a poor loser and was very disappointed with the results and the National Director was no help either… acted bratty as well.
“For me, Nawat [Itsaragrisil, Miss Grand International founder and president] should dethrone her as second runner-up.
“Her National Director should have stopped her from acting that way and yet he acted even worse than her.
“Miss Grand Myanmar is only 18 years old but it is still not an excuse to act as bratty as she did.”
“COOKING SHOW” ACCUSATION
Makahulugan ang Facebook post ni Lwin: “I’m calm now. Will you re-sign the contract?”
Tila pahiwatig tungkol sa hindi natupad na kasunduan nila ni Itsaragrisil.
“Cooking show” ang akusasyon ng fans ni Miss Grand Myanmar sa beauty pageant ni Itsaragrisil dahil hindi nagwagi ang kanilang kandidata.
Sa kabilang banda, lumambot na ang puso ng mga Pilipino kay Itsaragrisil nang manalong first runner-up ang Philippine representative na si Christine Juliane “CJ” Opiaza.
Maluwag sa loob na tinanggap ng karamihan ng Pinoy pageant fans ang resulta ng 12th Miss Grand International dahil para sa kanila, karapat-dapat sa karangalan at tagumpay na tinanggap si Miss Grand India Rachel Gupta.