Sinabi ni Carmina Villarroel na naka-move on na siya sa pambabatikos na dinanas niya kaugnay ng hiwalayan ng anak na si Mavy Legaspi at ni Kyline Alcantara.
“Ay, nang bonggang-bongga!” natatawang reaksiyon ni Carmina nang tanungin tungkol dito.
Nagsimula ang pambabatikos kay Carmina dahil sa diumano’y cryptic post niya noong kasagsagan ng breakup ng young couple.
Hinuha noon ng iba, patungkol ang posts ni Carmina sa ex-girlfriend ni Mavy na si Kyline.
Pinabulaanan ito ni Carmina.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina pagkatapos ng mediacon para sa finale ng seryeng Abot-Kamay na Pangarap noong October 2, 2024.
Sabi ni Carmina: “Eto na nga guys, masyado kasi kayong nag-o-overthink.
“Alam niyo, complicated na ang world. We live in a complicated world, huwag na nating pakumplikahin.
“What you see is what you get. What you read, yun na yun.
“Huwag na kayong, ‘Oh my gosh, baka ito ang pinariringgan.’
“Wala po akong oras na magparinig. Wala po talaga.”
Patungkol sa kanyang posts, paliwanag ni Carmina: “Usually, nakikita ko lang iyon sa Facebook, ‘Maganda ito.’
“Pero yung ibang tao, iniisip nila na may pinatatamaan ako. I’m not the type of person na nagpapatama.”
Natatawang sabi pa ni Carmina, “My gosh, matanda na ako—huwag naman, hindi naman masyadong matanda.
“But I have no time for childish things. You know, kahit nga noong bata ako, hindi naman ako nakipagganyan-ganyanan.
“I have no time for this. Para sa akin, do not overthink.”
Nang matanong si Carmina tungkol kay Kyline, umiwas itong magbigay ng anumang pahayag.
Katuwiran niya, “Parang ayoko na lang magsalita. Kasi, ito na nga, sasabihin na naman nila or mamasamain na naman ng iba.
“Kahit na sabihin kong I wish her well, kahit na may sabihin akong maganda, sasabihin nila na plastic.
“It’s better not to say anything na lang.”
Nagkasama na sila ni Kyline sa Kapuso serye na Kambal Karibal (2017-2018). Gumanap siya roon bilang ina ni Bianca Umali.
Payag ba si Carmina sakaling makatrabaho niya ulit si Kyline?
Sagot niya, “Why not? Why not? Basta gusto ko lang naman nang chill.”
CARMINA VILLARROEL ON BASHERS
Nang tanungin tungkol sa reaksiyon niya sa bashers, nagulat lang daw si Carmina sa galawan ng mga ito dahil nagsimula sa showbiz si Carmina nang wala pang social media.
“Hindi ako naapektuhan, pero parang, ‘Talaga ba? May naniniwala ba talaga?’ Na parang, wow, grabe talaga yung power ng social media.
“Of course, naaano ko lang yung time namin at time ngayon na parang grabe pala talaga.
“Parang papaniwalaan nila kung ano ang gusto nilang paniwalaan.”
Inakusahan si Carmina na “pakialamera” sa love life ni Mavy.
Pero diin niya, “Ito ang sinasabi ko, kung talagang pakialamera ako, wala sila sa show business.
“I’m just saying na hindi ako pakialamera. I’m very supportive with my kids. I’m just being a mother.
“What does it mean? Mapagmahal akong ina. I care for them. I worry about them.
“Mahal ko sila at gagawin ko ang lahat para sa kanila. Kung para sa inyo pakikialam iyon, okay, pakialamerang nanay ako.
“But that is my definition of pagiging pakialamera.”
Napag-usapan ba nilang pamilya ang pagkadawit niya sa isyu?
“Napag-usapan namin, but this is showbiz life.
“We know the truth and yun lang naman ang importante. Yun ang palaging sinasabi ko sa kanila.
“Basta tayong family, we’re in touch. Alam natin kung ano ang totoo.
“Oo, masakit na kung anu-ano ang sinasabi sa atin. Na ganito tayo, ‘matapobre.’
“Na parang, ganun ba ako ka-milyonaryo para sabihing matapobre?”
Napagtanto raw ni Carmina na pagdating sa bashers, kahit anong depensa niya sa sarili ay hindi siya pakikinggan.
“Wala na akong magagawa roon. You know, I’m not here to please everyone. Sa mga nakakakilala sa akin, they know me and they will speak for me.
“Ngayon, may nakakapagsabi na parang, ‘Hindi naman siya ganyan.’ I mean, truth will always prevail.
“Alalahanin niyo, it may take years, it may take months, weeks, but truth will always prevail.
“Kung sino ka talaga, kung ano ang pagkatao mo, lalabas at lalabas iyon. And like I’ve said, yung mga taong nakakakilala sa iyo, they will speak for you.”
carmina villarroel denies rumored rift with gma-7
Itinanggi rin ni Carmina ang intrigang may tampo raw silang pamilya sa GMA-7, dahilan kung bakit wala silang apat sa nakaraang GMA Gala.
“Why?” halatang nagulat na tanong niya.
“May tampo kami? Wala, wala… Unang-una, bakit kami magkakaroon ng tampo sa GMA?
“They have been good to us. Ang tagal na namin sa kanila. They have been nice to us and we’re forever grateful to them.
“Sa lahat ng nakatrabaho namin, nagbigay ng trabaho sa amin, we’re always grateful to them.
“So, bakit ako magkakaroon ng tampo? Wala, wala…”
Sabay tukoy niya sa pagiging emosyunal niya sa Abot-Kamay Na Pangarap finale mediacon, “Kasi, kung may tampo ko, iiyak ba ako?”
Ipinaliwanag na rin ni Carmina kung bakit wala sila sa GMA Gala noong Hulyo.
Hindi niya itinangging may kinalaman pa rin sa naging isyu, at alam naman daw ng GMA management ang kanilang desisyong huwag dumalo sa event.
“We just opted not to go and they knew, they knew naman talaga.
“Yun ang height ng isyu, so parang kami na lang ang umiwas. Yun nga ang sinasabi ko na, showbiz family kami, pero hindi kami showbiz
“We don’t want to… Alam namin when to lie low. Basta kami, alam nila kung bakit hindi kami pupunta and they knew our reason.
“Kaya natatawa na lang kami, yung parang nakakapagod. Lahat na lang ng action namin, may ibig sabihin sa kanila.”
carmina villarroel on mavy and cassy
Hindi kailang natutukan ni Carmina at asawang si Zoren Legaspi ang paglaki ng mga anak nilang sina Mavy at Cassy.
Supportive ang mag-asawa nang pasukin ng kambal ang showbiz noong 2018.
Nakaramdam ba si Carmina ng pagsisisi na pinayagan nila ni Zoren na mag-artista ang mga anak?
Sagot ni Carmina: “Regrets? None. I have no regrets. My kids are happy. That’s their choice.
“Ako talaga, sina-shy away ko sila. Mag-business na lang kayo. Alam ko how cruel [showbiz can be].
“Ang showbiz, sa akin, hindi naging cruel. In fact, I’m very happy. Kung hindi ako maligaya, wala siguro ako rito ngayon.
“Pero ang dami ko namang warning sa kanila, guidance, ganun. But I have no regrets.”
Hindi raw mawawala ang paggabay nila ni Zoren sa mga anak.
Nang tanungin kung ano ang pinapayo niya sa mga anak, sagot ni Carmina: “Ang importante at palagi ko ngang sinasabi sa kambal, in every problem or mga trials, ang importante roon, ang dami naming lesson along the way.
“At mas lalong tumibay ang pamilya. Na, okay, we’re unbreakable pala.
“And for them to see na, ‘Okay, this is showbiz. It can really be dirty and especially now na titirahin ka below the belt.’”