The Discaya couple issue is now grabbing headlines in the country.
Carla Abellana recalls taping at the Discaya parking lot where their luxury cars are displayed: “Ah, sa kanila pala lahat yun! Nag-taping na kami sa building na yan sa Pasig! And I was like, ‘Parang alam ko na kung ano ang ‘business’ ng may-ari nitong mga to.’”
PHOTO/S: Instagram / Julius Babao on YouTube
Isiniwalat ng aktres na si Carla Abellana na nakapag-taping na siya sa magarang parking garage ng mag-asawang Sarah Discaya at Curlee Discaya sa Pasig City.
Si Carla ay kilala sa pagko-call out ng sa palagay niya’y mga mali sa lipunan, kagaya na lamang ng display of wealth ng mag-asawang Discaya na nagmamay-ari ng may lagpas 40 luxury vehicles.
Sa kanyang Instagram Story kagabi, August 25, 2025, nag-post ang Kapuso actress ng screenshot na kuha mula sa panayam ng anchor-broadcaster na si Julius Babao sa mga Discaya noong September 2024.
Makikita ritong inililibot ng mag-asawa si Julius sa malawak na parking lot kung saan nakaparada ang hindi bababa sa 40 luxury cars.
Makikita sa screenshot na may nakasulat na mayroon dalawang Lincoln Navigator ang mag-asawa na nagkakahalaga ng PHP16 million each.
May nakasulat ding “Luxury Car Haul with Sarah and Curlee Discaya.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sa kanyang caption, sinabi ni Carla na pamilyar sa kanya ang lugar dahil nakapag-taping na siya noon dito, pero hindi na niya binanggit kung anong palabas.
Saad ng aktres: “Ah, sa kanila pala lahat yun! Nag-taping na kami sa building na yan sa Pasig!
“And I was like, ‘parang alam ko na kung ano ang ‘business’ ng may-ari nitong mga to.’”
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
THE DISCAYAS’ DPWH FLOOD CONTROL PROJECT
Naging mainit ang mata ng publiko sa mga Discaya dahil sa naging post ni Pasig City Mayor Vico Sotto tungkol sa magkahiwalay na panayam ng mag-asawa kay Julius at sa isa pang veteran broadcaster na si Korina Sanchez.
Mahigit sa 40 ang nakalululang bilang ng mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa parking lot ng mataas at malawak na gusali ng St. Gerrard Construction, na pag-aari rin nina Sarah at Curlee.
St. Gerrard Construction builing of the Discaya’s in Pasig City.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Muling napag-usapan ang mga Discaya dahil nabulgar sa mga balita ang tungkol sa Top 15 contractors na nakakuha ng kontrata sa gobyerno, sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na hindi natapos o tinipid ang ibang proyekto.
Sa post ni Mayor Vico noong Agosto 11, 2025, isiniwalat niyang ang Discaya couple ang may-ari ng ilan sa construction companies na ibinunyag ni President Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang presscon noong araw ring iyon sinabi ni President Marcos Jr. na 15 contractors ang nabigyan ng 20 percent mula sa PHP545 billion budget ng Department of Public Works and Highways para sa flood control projects.
Si Sarah ang nakalaban ni Mayor Vico sa mayoral race sa Pasig City noong May 2025 elections.
Ipinarating din ni Mayor Vico sa mga mamamayan ng Pasig City ang aniya’y kaugnayan ng mga Discaya sa contractors na binanggit ng Pangulo.
Pahayag ng alkalde: “This morning, PBBM presented the Top 15 DPWH Contractors for Flood Control Projects.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“You may have noticed that Alpha & Omega is Top 2 and St. Timothy is Top 3; these companies, along with others including ST. GERRARD, are all owned and controlled by the DISCAYAS.
“Ngayon, unti-unti nang nalalaman ng taumbayan ang buong katotohanan.
“As the president told them during the SONA, ‘MAHIYA NAMAN KAYO!’
“Ano nga ba ang kalakaran dito?
“While it is often difficult to pinpoint specific people, all of us in government know that this is true. Mga kapitan at politikong kasama rin naman nila ang unang nagkuwento sa akin kung paano ang ginagawa nila.”
Kinabukasan, Agosto 12, ibinahagi naman ni Mayor Vico sa Facebook post niya ang mga naging problema sa apat na flood control projects ng mga Discaya sa Iloilo City na nagkakahalaga ng PHP570 million.
Nakasaad dito: “As per Iloilo City Mayor Raisa Treñas, may problema rin any 4 flood control projects ng Discaya companies sa kanila. (Nasa 120-150M ang bawat proyekto– total P570M.)
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“As per Mayor Treñas, ‘These projects are either NON-FUNCTIONAL, have CAUSED FLOODING, or are, in some cases, practically NON-EXISTENT.’ (emphasis added).
“Kung gusto natin ng mas maayos na kinabukasan para sa ating bayan, panagutin natin ang mga taong nasa likod nito. Putulin na natin ang siklong ito!!”